Ang Alamat ng Kabute
Isang
araw, may isang batang nagngangalang Biboy. Si Biboy ay isang supil at walang
respeto na bata. Sa paaralan naman, wala siyang kaibigan at dahil ito sa
kaniyang ugali. Hindi siya nakikinig sa kaniyang guro at mga kaklase, parati
nalang siyang nakatutol sa gadget niya. Nagagalit siya kapag iniistorbo siya.
Natapos na ang klase nila Biboy at sinundo na siya ng kaniyang nanay. Tinanong
siya ng kaniyang nanay kung kumusta ang araw niya. Hindi siya sumagot,
binabalewala lang niya ang kaniyang ina, parang wala siyang naririnig. Pag
dating naman nila sa bahay, nakita niya ang kaniyang tatay at lolo ngunit
nilampasan lang niya ito, hindi lang naman nag mano. Napag-usapan ng kaniyang
ama at ina na mabuti pang maging halaman nalang na hugis tenga si Biboy. Kase
parang hindi siya nakakarinig. Nawawalan na si Biboy ng respetosa mas
nakakatanda sa kaniya. Nang pumunta na si Biboy sa paaralan, may nakasalubong
siyang matanda, humihingi ito ng tulong ngunit hindi niya ito tinulungan. Kahit
sa pag tulong lang ng matanda para makatawid sa daan, hindi niya nagawa itong
tulungan kasi parati nalang siyang naka tutok sa kaniyang telepono. Hindi alam
ni Biboy na ang matanda na iyon ay isa palang diwata. “Ikaw Biboy na walang
puso, isusumpa kita!” ang sabi ng matandang diwata. Kinaumagahan, nagtataka ang
nanay ni Biboy bakit hindi lumalabas si Biboy sa kaniyang kwarto. Pinuntahan
siya ng nanay niya ngunit wala si Biboy. Sumisigaw ang lolo ni Biboy at
sinabing may tumubong halaman sa kanilang puno. Sa halamang iyon may telepono
at hindi nakukuha at ang teleponong iyon ang ginagamit ni Biboy. Doon nila
nalaman na yung halamang may tenga ay si Biboy. Doon na nagsimula ang alamat ng
kabute.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento